Log in

View Full Version : Pacquiao handang labanan ni Marquez kahit sa Pinas



gusman
08-21-2010, 07:55 AM
mula sa abante.com

Nanawagan si Golden Boy Promotions president Oscar De La Hoya na nararapat magsagupa sa ikatlong pagkakataon sina WBO welterweight at seven-division king Manny Pacquiao at WBA/WBO lightweight champ Juan Manuel Marquez dahil ito ang gusto ng publiko at matagal nang hinihiling ng boxing fans.


Sa ginanap na conference call sa ilang pi*ling miyembro ng media, pinapurihan ni De La Hoya ang naging desis*yon ng California State Athletic Commission na hindi bigyan ng lisensya si ex-world champion Antonio Margarito at kasunod nito’y ipinagdiinan na ipalit ang Pacquiao-Marquez III sa Nobyembre 13.


“The public really deserves it,” ani De La Hoya na naniniwalang maaayos ng Golden Boy Promotions, na humahawak sa 36-anyos na si Marquez (51-5-1, 37 KOs), at ng Top Rank, promoter ni Pacquiao at Margarito, ang isang deal para sa Pacquiao-Marquez III -- sa kabila ng dalawang nabigong negosasyon para maganap ang Floyd Mayweather Jr.-Pacquiao.


“Now that California didn’t grant Margarito a license, I want to make a case for Marquez. Marquez has a license, he’s obviously ready and willing to fight Manny Pacquiao,” pahayag ni Oscar sa conference call.
“This is a fight that not only has to be made, but must be made because their first fight was a draw, and their second fight was highly disputed and it’s only fair that a third fight happen.”


Idinagdag ni De La Hoya na handa si Marquez na labanan si Pacquiao kahit kailan at kahit saan, kahit sa Pilipinas pa.


“Marquez would fight Pacquiao in Manila if he has to,” wika ni Oscar.


Mapapag-usapan aniya ang timbang na paglalabanan.


“The weight, if it’s 140 or 147, well, that’s up to Marquez, but he just wants this fight, and I’m sure that he’s told me before, that ‘I want this fight. I want Pacquiao because I have his number, you know.’”

gusman
08-21-2010, 07:56 AM
Ibang klase din naman itong si De la Hoya, bakit ang isisingit nya ay si Marquez samantalang ang gusto ng mga tao ay si Mayweather?

lpinoy
08-21-2010, 09:27 PM
Ibang klase din naman itong si De la Hoya, bakit ang isisingit nya ay si Marquez samantalang ang gusto ng mga tao ay si Mayweather?

ano na naman ito golden boy. siguro gustong makabawi sa lahat ng mga latino tinalo ni pacman o kaya ay gustong magpabogbog na naman si marquez..